Zzz..

Takbo… takbo…

Napapagod na ako sa kakatakbo! Hindi ko na ata kaya! My mga humahabol sa akin na mga nilalang na hindi ko mapaliwanag kung ano ang balak nila sa akin hindi naman ako si Piolo Pascual o isa sa miyembro ng Boys Over Flowers  para habulin ng ganun ganun na lang.  Hindi rin naman nila kamukha ang mga taong pinagkaka-utangan ko. Hindi rin naman sila ang mga taong-bayan na humahabol ng isang aswang para saksakin ako ng mga kawayan sa oras na maubatan nila ako. At higit sa lahat hindi ako aswang isa akong diwata.

Subukan ko man tumakbo ng mabilis pero napapansin ko na ang bagal ng aking pagtakbo. Kahit anong gawin ko hindi bumibilis ang pagtakbo ko. Nararamdaman ko ang pagkatakot sa bawat lingon ko sa mga nilalang na humahabol sa akin. Nararamdaman ko na rin ang paglabas ng pawis sa makinis kong balat dahil sa takot (ano daw makinis??) Malapit na sila, malapit na nila akong maabutan. May nakita akong liwanag na nagmumula sa isang lagusan hindi ako sigurado kung ano ang nasa likod ng liwanag na iyon basta ang alam ko magiging ligtas ako dun. Papalapit na ang mga humahabol sa akin. Katapusan ko na ata. Ano ba ang gusto nila? Ang sariwa kung katawan?

” Hoy! Mr.Leslie Reyes! Gumising ka na! Tanghali na! Late ka na! “

Yan ang mga salitang nagmula sa nanay ko na gumulat sa akin at muntik magpahiwalay sa kaluluwa at katawan ko.

Yan ang mga eksenang pwede mangyari sa loob ng mundo ng mga panaginip. Sa panaginip nangyayari ang mga bagay-bagay na hindi natin akalain na maaaring mangyayari. Sa loob din ng panaginip ay makikita at makakasama natin ang mga taong  hindi mo inaasahan mapa artista man o maligno makakasama mo sila dito. Ang masarap dito pwede mong makita ang pinaka mortal mong kaaway o ang taong my malaking kasalanan sayo. Mabibigyan ka ng pagkakataon para isakatuparan ang malagim mong paghihiganti sa taong yun. Kahit pa ang kaklaseng mo nung grade 1 ka pa na nagnakaw ng baon mong suman ay maari mong isabit ng patiwarik o kaya naman ang taong bumasag ng puso mo maari mo din siyang basagin ng pira-piraso. Mabibigyan ka din dito ng tsansa maka-moment ang taong pinag-nanasaan hinahangaan mo at pwede mong isagawa ang pang-gagahasa matamis at pag-momolestya mapagmahal mong plano para sa taong ito.

Lahat ng bagay na pinapangarap mo ay maisasakatuparan mo sa mundo ng mga panaginip. Ikaw ang bida o ikaw ang kontrabida, pero my  mga pagkakataon din na para ka lang nanonood ng eksena sa isang pelikula kumbaga audience ka lang sa sarili  mong panaginip at iba ang mga main cast. May mga pagkakataon na sobrang parang totoo ang nangyayari at magugulat ka na lang sa paggising mo na may mga linyang:

” (pawisan at kabado) Whew! Buti na lang panaginip yun! akala ko totoo na! salamat Lord at gising na ako ”

“(sobrang pawisan at disappointed pero medyo nakangiti) Whew! Ano ba yan panaginip lang pala yun! Sana totoo na lang! Bitin! Lord,please ituloy mo ang  panaginip kong naudlot.. Bad trip nman oh, yun na yun eh! malapit na eh, Makatulog nga uli.”

Bookmark and Share
Published in: on October 29, 2009 at 4:10 pm Comments (1)
Tags: , , ,

Mga Nilalang sa isang Inuman Session: Part 1

“An alcoholic beverage is a drink containing ethanol (commonly called alcohol). Alcoholic beverages are divided into three general classes: beers, wines, and spirits.”

Oh?! Mukhang nagkaroon ka na ng ideya kung tungkol saan ang post na ito noh?  At alam ko ang iniisip mo ngayon! Mali ang iniisip mo! Hindi ako LASENGGO! (minsan lang)

Medyo nahuli ako sa pagkamulat tungkol sa pag-inom ng alak. 4th year hayskul (graduation day) ako ng unang dumampi ang alak sa aking inosenteng labi yung tipong inuman talaga at sa una  hindi ako naligayahan sa lasa nito, Eeewww! It’s mapait kaya! Pero paglipas ng mga araw nasasanay na rin ako sa lasa ng alak. Oops! Tama na hindi ito tungkol sa pagiging lasinggero ko ang post na ito.

Ating kilalanin ang mga klase ng tao na nakakasama natin sa isang inuman:

Name: The Caller
Skills: Malakas ang impluwensiya, Magaling mangonsensya.
Madalas na kaaway: Mga Indianero.
Description: Siya ang pasimuno ng inuman session. Siya ang madalas mag-set ng lugar, oras, inumin at pulutan. Malakas siya mangonsensiya kung keylangan niyang magdrama para lang pumayag ka sa imbitasyon niya gagawin niya. Sa lakas niyang mangonsensiya kahit Mayor ng lugar niyo  matatawag niya sa inuman. Gagamitan niya kayo ng mga linyang:

Ganyan ka naman eh! Ngayon lang ako magtatawag (kahit halos araw-araw kung mag-aya), aayawan mo pa ako, sabihin mo kung gusto mo na tapusin ang pagkakaibigan natin! (may kasama pa yang naluluhang mata)”

Tara inum tayo! Bonding lang, tagal na natin hindi nagkita eh (kahit araw-araw kayong nagkikita). Kung aayaw ka parang kinalimutan mo na rin ang pagkakaibigan natin.”

Name: The Runner
Skills: Mabilis at Masipag
Madalas na kaaway: Mga asong nakawala at mga lokong tambay sa tabi-tabi.
Description: Mabilis pa siya sa kidlat kung uutasan siyang bumili ng alak o mga bagay na kailangan sa inuman session . Walang maputik, mabato, patag o madilim na lugar sa kanya makabili lang ng alak, yosi o pulutan. Kapag madaling araw na ang inuman, buong puso niyang hahanapin ang bukas na tindahan sa lugar niyo makahanap lang ng alak, yosi o pulutan. Madalas na bagsak ng mga runner ay sa 7eleven. Ang mga runner ay yung mga taong madalas na walang pera at ang pagiging masipag nila ang kanilang maipapamahagi sa inuman session.

Name: Pulot King
Skills: Mabilis pumulot at Mabilis ngumuya.
Madalas na kaaway: Buong miyembro ng inuman session.
Description: Mabilis ang mga kamay kapag pumatong na sa mesa ang platong puno ng pulutan. Ginagawang picnic ang inuman session. Minsan choosy pa siya sa pulutan uunahin ubusin ang karne at isusunod ang mga mumurahing chichirya. Malakas mamulutan ngunit mahina uminom. May kakayahan din silang bigla na lang silang mawawala kapag wala na ring pulutan. Eat and Run move!

Name: God of War
Skills: Nagbabato ng mga masasakit na salita at nanakit ng pisikal
Madalas na kaaway: Ang buong daigdig!
Description: Siya ay kinakatakutan at kinaiinisan ng karamihan sa isang inuman session. Ang alak na iniinum niya ay diretso sa kanyang ulo na may maluwang na espasyo para sa kanyang mallit na utak at maraming alak. Na nagreresulta sa madaling pagkapikon at nagiging galit sa mundo. Lahat ng taong haharang o kokontra sa kanya ay may chances na pwedeng tanggalan ng buhay. Minsan pagkatapos ng inuman hindi na niya maaalala ang mga karumuldumal na pangyayari na ginawa niya at magtataka kung bakit my basag sa mukha, butas ang tagiliran, putol ang buto sa leeg at putok ang ilong at mata. Parang tanga lang na nahulog sa bangin.

Name: Neneng Lanjut at Nonong Lanjut
Skills: Nakakatunaw na mga tingin at mapanuksong mga kilos
Madalas na kaaway: Mga pangit na kainuman na gusto magpa-biktima.
Description: Nagiiba ang kilos kapag nakarami na ng alak sa kanyang katawan. Nagiging malapit na siya sa mga katabi lalo na kapag poging binata (ako ba un?) o magandang dalaga (ewan ko kung ikaw un). Unti-unting nagiging malikot ang mga kamay. Hawak dito, hawak doon. Haplos dito, haplos diyan. Sayaw diyan, sayaw doon, Pa-cute dito, Pa-cute doon. Nag-iinit ang katawan nila parang isang leon na hayok sa sariwang laman at nagtatangkang pulutanin ang mabibiktimang katabi sa inuman. Madalas niya itong ibulong sa kanyang biktima, Mag-iingat sa linyang ito: ” Kaya mo pa bang uminom? Kaya mo pa bang umuwi? I-UWI NA KITA…

Abangan ang 2nd batch ng mga Nilalang sa Inuman Session! Medyo lusaw na ang aking mga mata sa kakaharap dito sa monitor eh.

Bookmark and Share
Published in: on August 28, 2009 at 4:59 pm Comments (5)

Panga-rap

Kasalukuyang nararamdaman: Inaantok! Gusto ko ng mag-out dito sa opisina!

Lahat ng tao ay my mga pangarap para sa kanilang sarili. Marahil nasa sa iyo na ang lahat o hindi ka normal kung hindi mo pa nasubukan ang sarap ng pangangarap.

My mga pangarap na mataas yung tipong sa sobrang taas nito ay malabong maabot. Hindi naman masamang mangarap ng lampas sa imahinasyon ng normal na tao, walang bayad ang mangarap, Libre! Masarap!. Nangarap din ako ng sobrang taas at napaka imposible nung bata pa ako. Ang pangarap na yun ay maging isa sa miyembro ng grupong tinatawag na POWER RANGERS. At makipag sabunutan bakbakan sa mga halimaw na gustong sumakop sa planetang earth. Kahit ako na si Pink Ranger, ok na sa akin yun dati (epekto ng too much cartoons). Pangarap ko din na pumuti dati kulang na lang kumain ako ng isang kahon ng Likas Papaya para lang magbago ang kulay ng balat kong kulay champorado. Paglipas ng panahon natanggap ko din ang katotohanan na ganito na talaga ang kulay ko parang kutis ni Jericho Rosales kahit sa kutis lang kami magkamukha masaya na ako dun. Wag ka na magreact!Please lang ayaw kitang saktan!

Diba? Napakataas ng mga pangarap ko? Pero napag isip-isip ko medyo malabo mangyari yun. Sigurado ako, ikaw may pangarap ka din na alam mo na imposibleng mangyari. Pero malay mo, malay ko, malay natin, malay nila makamit mo ang pangarap na iyun. Huwag mo lang pangarapin na maging si Pink Ranger! Hindi matutupad yun! Ako yun eh! Mag aaway lang tayo!

May mga pangarap naman na sakto lang ang taas kayang abutin pero hindi kaagad-agad nakakamtan keylangan mo pang mag-sumikap ng mabuti para maabot ito. Dito sa level na ito sandamakmak ang nakalistang pangarap ko. Iisa isahin kong aabutin ang mga pangarap na iyun. Konting pawis, ligo disiplina at sipag lang maisasakatuparan ko din lahat ng mga pangarap kong nakalista na kasing haba ng Kennon Road. Ay! Ang haba pala ng listahan ko! Kaya ko kaya? Kaya yan! Sabi nga ni Robin Padilla “Think postive! Wag kang aayaw!“.

May mga pangarap din naman na abot kamay lang. Mga pangarap na parang andyan lang sa sari-sari store na pwedeng mong makuha sa oras na gugustuhin mo.

Masarap mangarap…..

Magkaroon ng sariling bahay yung tipo ng bahay na maliligaw yung mga bisita mo sa loob ng bahay mo dahil sa luwang, magandang sasakyan(too many to mention), maayos na trabaho na may maayos na sahod, masayang pamilya (ABS-CBN? Kapamilya eh noh), payapang kapaligiran(sa sementeryo?), masasarap na pagkain (parang last supper ng bibitayin na kriminal) at isang asawa na mala- Megan Fox-optional lang naman ito (GAY ba talaga cia!? Kasi sobrang naguguluhan na ako, ang daming blog na nagkalat tungkol sa totoong kasarian ni Megan Fox .Saklolo!)

Pangarap ko din na sana umasenso na ang Pilipinas, sa tingin mo kailan kaya mangyayari yun? may pag-asa pa ba? Ang mga karamihan sa nagpapatakbo ng ating bansa ang umaangat (maliban kay GMA, kahti mag takong pa siya hindi na siya aangat) at ang mga mamamayan naman ay tumatakbo paalis sa Pilipinas para hanapin ang kapalaran sa ibang bansa. Kung sakali man mangyari ang pangarap na iyun malamang ilang milyon na Pilipino ang mapapatambling sa tuwa sa pag-asenso ng bansang Piiipinas. Sarap nun!

Keep Dreaming!

Pasensya po sa post na ito, medyo magulo.. ayusin ko na lang sa mga susunod na araw.

Bookmark and Share
Published in: on August 13, 2009 at 1:44 pm Comments (4)

Don’t Ask

Kasalukuyang Nararamdaman: Nagugutom… Hindi ako nakapag almusal, nagmamadali kasi! Late na ako nagising (as always!)

Sometimes we feel sorry for ourselves for fallin for someone. We don’t know how it started and how big our love had grown. At times it brings  us sad moments coz we can’t find the right  words to answer all our confusions but then we came to realize that fallin in love should not be asked  about why or how. It just happens when we don’t expect it. So, when they tell you they love you, dont ask them why or how much, Just be glad coz they did.

Pasensya na, resulta ata ito ng hindi pagkain ng almusal nagiging emosyonal ( may rhyme di ba?)

Bookmark and Share
Published in: on July 6, 2009 at 1:06 pm Comments (0)
Tags:

Bubble Gum

Napansin ko medyo maalikabok na ang tahanan ng aking mga blog, madalang na kasi akong mapadaan dito, subsob sa alak trabaho eh. Ngayon ko lang uli napag isipan na magsulat ng mga ideya, opinyon at guni-guni na nanggaling sa malusog at matambok kong utak, mapulang mapagmahal na puso at sa aking napakadalisay na pagiisip.

( Ayos ba ang intro ko mga mare at pare? wag ka na kumontra! tatamaan ka sa akin! )

Sa mundong ating nilalakaran ibat-ibang klase ng mga tao ang ating nakikilala, nakakasalimuha, nakakausap at nagiging kaibigan o kaaway. Sadyang ginawa ni Papa God na my kanya-kanya tayong pagkakaiba, Uniqueness sa ingles,( bongga di ba?!) May maliit sayo na malaki sa iba, may mahaba sayo na maikli sa iba, may maputi sayo na maitim sa iba, may mabango sayo na mabaho sa iba, may matigas sayo na malambot sa iba (ano kaya un??), may maganda sayo at pangit sa iba, may mas cute sayo at ako yun, joke lang yan, erase, erase! At kung nasa sa iyo ang lahat feeling ko ikaw si Piolo Pascual! Your Complete! Kahit nga kambal ay may pagkakaiba pa rin sa isa’t-isa.

Medyo nagtataka lang ako sa mga taong dumadating sa akin. Maayos, medyo okey lang, may konting tama at sadyang tamado talaga.  Marahil tinadhana lang na makilala ko ang mga klase ng taong hindi ko mawari kung ano ba talaga ang papel nila sa aking buhay. Pero nagpapasalamat ako sa pagkakakilala ko sayo, sa kanya, sa kanila, at sa iba pa. Isa kayo sa mga rason sa pagbabago sa aking buhay marami akong natutunan. Umiyak, tumawa, ngumiti, mangarap at mag-alak. Minsan alam ko may mga nagtatampo na sa akin at nawawalan ng gana dahil sa sakit kong ka-engotan. Paumanhin sa mga pagwawalang bahala ko at pagiging tanga paminsan-minsan. Isa rin ako sa mga nilikha ni Papa God na may kakaibang katangahan katangian. Hindi ako superhero o parang si Santino, simple lang akong mamamayan ng Pilipinas.

Ang nakakalungkot lang ay may mga taong dumadaan sa aking buhay na turing sakin ay isang bubble gum. Isang bubble gum na mabibili mo sa mura na halaga sa suki mong tindahan. Isang bubble gum na sabik kang isubo para mapawi ang pagkauhaw sa konting tamis. Isang bubble gum na pagkatapos makuha ang gusto ay iluluwa at ididikit na lang sa ilalim ng mesa o idudura sa gitna ng kalsada at didikit sa gulong ng sasakyan na dadaan rito.

Keylan kaya magtatagpo ang landas namin ng special someone ko. Hiling ko lang sana na hindi siya mahilig sa bubble gum.

Paumanhin medyo maikli ang post na ito, pagod na ang mga brain cells ko para iproseso pa ang mga ibang bagay na nais kong ipamahagi. Babawi ako sa susunod na post.

Bookmark and Share
Published in: on June 3, 2009 at 9:34 am Comments (5)
Tags:

malamang, alam ang..

Ngayon alam ko na, ang buhay ay hindi kagaya ng mga fairy tales na laging may rainbow at happy endings. Pwede ring matapos ang kwento mo ng and they live unhappily ever after. (wag naman sana..)

Ngayon alam ko na, hindi ikaw lagi ang cinderella, snow white o sleeping beauty na ililigtas ng prince charming. Minsan ikaw rin ang witch na kontrabida sa ibang buhay ng tao na gusto sumira sa happy ending ng kanilang buhay.

Ngayon alam ko na, mas malaki pa ang mata ng ostrich keysa sa utak niya.

Ngayon alam ko na, pwede pa lang magbayad ng student fare kahit hindi ka na estudyante, gumaganti lang ako dahil nung estudaynte ako madalas hindi binibigay ang sukli kong singkwenta sentimos ng mga drayber na makakalimutin o sadyang nagpapayaman lang talaga.

Ngayon alam ko na, ang pagkain ng sandamakmak ay hindi nakakataba sa lahat ng tao. Tested na ito sa akin! Ewan ko ba kung saan napupunta ang mga pinapasok kung pagkain sa katawan ko. Hindi kaya ang mga alaga ko sa tiyan ang lumalaki?

Ngayon alam ko na, kahit baliktarin mo ang salitang “SWIMS” ng 180 degrees “SWIMS” pa rin ang pagbasa nito.

Ngayon alam ko na, Hindi mo nakukuha ng buo ang sahod mo dahil sa mga lintik na SSS, PhilHealth, Pagibig at TAX. Pero sabagay magagamit mo ang mga yan pang-gastos sa hospital kung mabundol ka man ng kariton. O kaya kapag kinuha ka na ni Lord my makukuha ang pamilya mong fira.

Ngayon alam ko na, Pwedeng hindi mag-expire ang unlimited text mo sa Globe hanggang dalawang buwan. Pero swertehan lang ito, hindi lahat nabibiyayaan ng pagloloko ng network ng Globe. Meron din naman ang tinatamaan ng malas dahil bigla na lang nawawalan ng load.

Ngayon alam ko na, Kapag one-sided hairstyle ka na ay Emo ka na. Mali! Hindi lahat ng Emo ay one-sided hairstyle. Meron din namang mga taong-ewan purket one-sided hairstyle, heavy eye liner at naglaslas ng pulso ay Emo na. Nakikiuso lang yung iba.

Ngayon alam ko na, kapag naka baseball cap ka at my earring na bling-bling sa kaliwang tenga ay automatic na gangster ka na at may frat ka. Nasa isang bar ako dati at may mga naka-inuman na mga bagong kakilala. Nagtanong ang isang babae sa akin “Anong tropa mo?” sagot ko naman, ” Wala akong frat, hindi naman ako gangster eh ” pabalik na sagot ng babae. ” Wag ka nga?! Halata naman na my tropa ka eh, naka baseball cap ka eh!” Muntik ko ng malunok yung bote ng beer na iniinom ko sa narinig ko. Stereotype!

Ngayon alam ko na, ang mga langgam ay hindi natutulog.

Ngayon alam ko na, Hindi lahat ng magagandang babae ay maganda rin ang ugali. Tested yan! Kaya mag-ingat sa mga chikas. Pero hindi lahat ah, meron pa rin yung mga magagandang babae na kasing ganda ng mukha nila ang kanilang puso. Pero minsan lang ata sa isang daang taon pinapanganak ang isang babaeng ganun.

Ngayon alam ko na, hindi lang itlog ang piniprito ngayon para maluto may ice cream na rin na piniprito. Natikman mo na ba yun??

Ngayon alam ko na, ang mga pating ay hindi nagkakasakit.

Ngayon alam ko na, sa ilang minutong pangyayari ay pwedeng mabago ang buhay mo ng pang habang buhay.

Bookmark and Share
Published in: on May 4, 2009 at 9:45 am Comments (6)

Fira

Matagal-tagal din ako hindi bumisita sa tahanan ko para magsulat ng mga bagay-bagay. Sa mga nakalipas na araw medyo naging abala ang buhay ko. Isa rin sa rason ang hindi pagkilos ng mga braincells ko, summer na kasi natutuyo na ang juices of wisdom sa matambok kung utak sa init ng panahon.

Money is anything that is generally accepted as payment for goods and services and repayment of debts. The main uses of money are as a medium of exchange, a unit of account, and a store of value. Some authors explicitly require money to be a standard of deferred payment.The dominant form of money is currency.

The word “money” is believed to originate from a temple of Hera, located on Capitoline, one of Rome’s seven hills. In the ancient world Hera was often associated with money.

(english yan ah, kinuha ko lang yan sa wikipedia, kala mo gawa ko noh!)

Money, Pera, Salapi, Breads o Areps yan ang bagay na isa sa nagpapatakbo sa mundo. “Money runs the world” naniniwala ka ba diyan?? Sa sarili kung opinyon marahil tama nga na ang pera ang nagpapatakbo sa mundo.

Simula ng isilang ako sa mundo at nagkaroon ng isip (meron ako kahit papano) pansin ko na isa sa bagay kung bakit nabubuhay ang tao ay kumita ng pera. Bakit ka nag-aaral?? para makapag-hanap ng magandang trabaho at para kumita ng pera. Pano ka makakapag-aral?? keylangan ng tuition fee di ba?? Hindi naman pwedeng ipambayad mo ang isang sako ng mangga o dalawang manok bilang pambayad ng tuition fee mo. Kahit 100% iskolar ka pa keylangan mo pa rin ng pera dahil hindi mo naman pwede ibayad ang bunga ng bayabas o saging bilang pamasahe papunta sa iskul.

Masaya ka ba kung wala kahit man lang sentimo sa bulsa mo? Parang gasolina ang pera hirap kang gumalaw kung wala ka nito at mabagal naman ang paggalaw mo kung konti lang ang pera mo, limitado ang kilos. Yung tipong hindi ka makabili ng paboritong mong pishbol kasi sakto lang ang pera mo para sa pamasahe mo, Tapos ingat na ingat ka pa sa natitira mong pera dahil kapag nabawasan ito ng kahit isang sentimo hindi ka na makakauwi sa inyo.

Sa panliligaw keylangan ba ng pera o hindi? wag ka ng mag-isip, natural lang na keylangan mo ng pera. Lalo na sa panahon ngaun, kung gaano kakapal ang wallet mo ganun ka din ka pogi. Pero hindi naman lahat ng babae sa kapal ng wallet ang batayan may nadadaan din naman sa kapal ng mukha sa pambobola at sa mabuting paraan ng panliligaw. Mga panliligaw na hindi mo na kailangan ng malaking salapi ay tulad ng pagsisibak ng kahoy, mag-iigib ka ng tubig para babaeng iniirog mo. Ang tanong, uso pa ba un? ano ang sisibakin mo building? konti na nga lang ang puno sa Pilipinas sisibakin mo pa, ano ang iigibin mo? tubig na galing sa ilog na puno ng mga lumulutang na bagay na may nakakasukang amoy.

Lalake: Labs! Ayos lang kahit wala tayong pera ang mahalaga nagmamahalan tayo.

Babae: Anong labs k dyan?! Wala na nga tayong makain eh! Si Junior tubig at asukal na lang ang iniinom! Mabubusog ba ako sa pagmamahal mo?! Manguguya ko ba ang pag-ibig mo?!

Lalake: (Kumuha ng bread knife at sinaksak ang sarili. Patay!)

Bibigyan ka ng 1 bilyong piso para kainin mo ang kulangot ng besfren mo, didilaan mo ang kili-kili ng isang taong grasa o lumangoy ka sa septic tank ng kapit bahay niyo. Napaisip ka kung tatanggapin ang hamon na yun diba? Sayang yung pera noh? Parang ganyan kahirap kumita ng pera lalo na dito sa Pilipinas. Maliban na lang kung mananalo ka sa LOTTO, pano kung hindi ka tumataya dito, katulad ko. Pwede ka rin naman magbenta ng laman kung handa ka na magkaroon ng AIDS o kaya mangholdap ka pagkatapos gugulpihin ka ng taong-bayan kapag natimbog ka kulang pa yung perang nalimas  mo sa biktima mo para sa pang-hospital sa sarili mo at kung mamalasin kulang pa ang pera mong galing sa holdpan para sa sarili mong libing, ipapaanod na lang sa ilog ang bangkay mo. Bongga! Libreng libing!

Dahil sa pera ang tao ay nag-iiba may nagiging masipag at matiyaga sa paghahanap ng pera dugo at pawis ang puhunan. Meron namang ibang tao na puhunan ay pera ng bayan at pera ng sariling kapwa in short “KURAKOT”. Ang tamaan ay sana mabukulan. Masarap lustayin ang pera na galing sa sarili mong pawis at hindi sa pawis ng iba. Lalo na at galing ito sa mabuting paraan.

Buhay nga naman talaga, ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng mga taong naka-imbento ng pera. Buti pa ang pera may tao, ang tao walang pera.

Hanggang dito na lang  muna, baka matanggal ako dito sa trabaho at mawalan pa ako ng pinagkukunan ko ng pera. At mapilitan ako pumasok sa larangan ng buy and sell ng katawan. hahaha!

WORK HARD AND CLEAN FOR LIFE!

Bookmark and Share
Published in: on April 16, 2009 at 11:06 am Comments (6)
Tags: ,

Say

Is it a wrong move to say what i feel?
I know I don’t have the accent
And my words can only be my present
But for you its a bit absurd

Have a little faith in me and I believe I can find a way
Our lives have separate roads and we choose our separate ways
Between you and I is a long way but the picture will always stay

If you’ll give me a chance, i’l give it a shine
Don’t worry I won’t rush to avoid the crash
Everything will be fine I won’t step the line

Just have a little faith in me

Bookmark and Share
Published in: on March 30, 2009 at 10:59 am Comments (3)

Weyt Poriber

Everybody wants to know,
What we got between us,
Cos they don’t see us,
When we’re alone,
And when we talk on the phone.

No they don’t even got,
No idea about us,
Cos we aint tryn,
Let nobody step in,
And pull us out of this zone.

Do i think your fly?
Yes,
But i don’t wanna pressure you,
To do anything you don’t wanna do,
No,
Cos we gotta lotta time,
Yes,
And i plan on being with you,
For the rest of my life,
Girl i’ll wait, its all right.

I’m gonna wait for you,
Even if it takes forever,

Thats what a real man’s suppose to do,
Ain’t gonna give you no pressure,

I’m gonna wait here til,
The time is right baby,
Cos i know when you say yes,
Imma fill your appetite,

So i’m gonna wait for you,
Even if it takes forever

Bookmark and Share
Published in: on March 19, 2009 at 11:05 am Comments (1)

Office Love

Ang tagal na rin ng pinagsamahan natin kung hindi ako nagkakamali mga pitong buwan na rin tayong nagsasama simula ng pinagtagpo tayo ng tadhana. Minsan dumaan sa aking isipan kung keylangan natin ng monthsary cheesy kung cheesy, mushy kung mushy pero hindi ko maaring gawin yun dahil maraming magsasabing baliw ako (dati na ata??). Araw-araw kitang pinagmamasdan at araw-araw mo din akong kaharap. Gusto man kitang yakapin hindi ko magawa dahil may mga taong nakakakita at isipin na wala na ako sa matinong pag-iisip. Lunes hanggang Biyernes ang ating moment minsan kahit holiday ay nagsasama pa rin tayo. Hindi ko maipapangako na makakasama kita habang-buhay. Alam nakakalungkot iyon masakit din para sa akin pero huwag muna nating isipin ang araw na iyon. Marami pa tayong gagawin at maraming araw pa ang dadaan na magkasama tayo.

Alam ko isa ka sa pinagkukunan ko ng pera pero tandaan mo keylangan kung gawin yun…

Umulan o umaraw man keylangan kung humarap sa iyo at pagmasdan ka buong araw. Minsan sa tagal kong nakatitig sa iyo nakakatulog ako. Sorry ah, minsan kasi napupuyat ako at medyo antukin din ako sana maintindihan mo iyon. At sana maintindihan mo rin na pagdating ng 5pm ng hapon keylangan na kitang iwan gustuhin ko man na makasama ka hanggang gabi hindi ko na kakayanin kasi tao din ako napapagod din ako. At alam kung alam mo rin na magsasasama uli tayo kinabukasan. Mas mahaba pa nga ang oras ko sa iyo keysa sa nanay at mga kapatid ko kaya sana huwag mong isipin na nawawalan ako ng oras para sa iyo.

Nagpapasalamat ako sa pagtyatyaga mo sa akin kahit ano ang itsura ko tanggap mo ako at andyan ka lang lage sa harap ko nakatitig sa akin.

Paalam na keylangan ko ng umuwi. I will miss you. love lots! Mag-iingat ka dito ah.

Isinulat ko ito para sa aking pinakamamahal na “19 inches LCD monitor sa opisina”

Bookmark and Share
Published in: on March 17, 2009 at 3:00 pm Comments (1)
Tags: