si Mamang Drayber
New Year’s Eve ngayon pero may pasok ako sa opisina pero ok lang kasi ganado ang whole system ng body ko except sa nervous system medyo may tama tayo dun eh,dahil pay-day ngayon..yyaahhhoo!may pang farty tayo mamaya..yehey!
Simulan ko sa pag sakay ko ng pampublikong jeep, nang pagdating ko sa paradahan ng jeep sa amin na shock ako sa aking nasaksihan walang laman na pasahero ang jeep, sheyt!maleleyt na naman ako nito pero cyempre sabi nga nila habang may buhay my hininga pag-asa. At biglang my jeep na tumigil sa harap ko, jeep na bawal kumuha ng pasahero sa amin dahil iba ang route nito pero sa kadahilanan na may bumabang pasahero lulan nito sa amin tumigil ang jeep at JARAN!tara byahe tayo!(ate shawie ikaw ba yan?) nagmadali akong sumakay dahil nga bawal dun. “I’m so lucky” sabi ko sa isip ko, feeling ko hindi ako maleleyt ngaun at pagbaba ko ng 1st jeep nakasakay kaagad ako ng 2nd jeep chinek ko uli ang oras sa aking cellpun na hindi ako sure kong advance or tama ang oras basta ang mahalaga ay wala pang 8:00am.
The tragic part of this day ay ang kwento ni Mamang Driver ng 2nd jeep na kamukha ni Max Alvarado. Akala ko swerte na ako at okey na ang paglalakbay ko patungo sa opisina. Ako lng ang pasahero ng 2nd jeep kasi nagsibabaan na yung mga ibang pasahero(dahil sumakay ako!charing!) nang dumating kami malapit sa 7eleven tumigil ang jeep ni Mamang Driver, dahil maintindihin akong nilalang hinayaan ko lang pero nang makalipas ang ilang minuto unti-unti ring nauubos ang pasensiya ko kay Mamang Driver,Heelllooo!may pasahero ka po dito sa likod Mamang Driver at malapit na po akong maleyt!sheyt!. Lalo naubos ang pasensya ko ng biglang maglabas ng yosi ang lintik na si Mamang Driver, parang nasa Starbucks lang ang loko, gusto ata nitong hindi umabot sa bagong taon at papasabugin ko na ang bungo nito. Relax!relax!Inhale,inhale,inhale,ubo! wala namang sumasakay na pasahero at ayaw pa rin umalis ni Mamang Driver,sheyt tlga!nagbilang pa ng pera habang nagyoyosi,LINTIK tlga!ang aga pa para bilangin ang kita mo Mamang Driver!hindi pa dian natapos ang mga churva ka-ek ekan ni Mamang Driver,ang pinakamatindi may kinuha siya sa bulsa niya at yun ang kanyang mahiwagang suklay,nagsuklay pa ang loko!sobrang gusto ko na talagang kumuha nang laser beam at i-erase ko na si Mamang Driver sa Earth! Mamang Driver naman oh!for work sake!mamaya ka na magpa gwapo hindi ka magiging Sam Milby sa pasuklay-suklay lang at LATE na aq!sheyt! Gusto ko ng bumaba sa jeep at maglakad na lang papuntang opisina. The Nerve!sisirain talaga ni Mamang Driver ang record ko this week na dapat 3 consecutive days na hindi ako late pero WALA NA!huhu.. Mamang Driver naman eh,moment ko toh eh,umaandar na rin ang lintik na jeep ni Mamang Driver at pagbaba ko ng jeep naglakad na ako papuntang opisina at umaasa pa rin na hindi pa ako na leyt, but it’s too late…huhu!late ako ng 10mins,this is all your fault Mamang Driver!sinira mo ang lahat!eersshh!
Lesson Learned: Wag sasakay sa jeep na ang driver ay kamukha ni Max Alvarado na mahilig magyosi,magbilang ng pera at magsuklay ng malagkit na curly hair habang naghihintay ng pasahero.This not an advice, this is a Warning!
Adbans Happy New Year sa Inyong Lahat!!
