Kids Stap…
Tuwing umaga sa pagpasok ko papunta sa trabaho madalas akong makasabay sa jip ng mga batang elementary na nagaaral sa pampubliko at pribadong paaralan. Mas gusto ko banggitin ang mga bata sa elementary ngaun keysa sa mga hayskul o kolehiyo, moment ito ng mga bata, Ok?! Pagbigyan mo na lang sila ngayon.
Ang mga iba ay may mga taga-hatid, kasama ang kanilang tatay, nanay, o sino mang miyembro ng pamilya, maliban kay bantay(arf!arf!). Minsan naman ay nag-iisa lang sa pagpasok o kasama ang kapatid na nagaaral din sa parehas na paaralan. Ibat-ibang itsura din ng mga bata ang nakakasabay ko meron yung bagong ligo as in makikita mo na may nagkalat pa na baby powder sa bandang leeg ng bata at medyo basa pa ang buhok, meron din namang naligo nga pero my puting marka sa gilid ng mga labi dahil sa tutpeys at meron din namang hindi mo mawari kung nareyp o hindi talaga naligo dahil hindi pantay ang pag butones ng polo at parang kababangon lng sa kama dahil sa nakatayo-tayo pang buhok at tinatanggal pa ang mga mutang nakaharang sa kanyang mga mata habang siya ay humihikab.
Natutuwa lang talaga ako sa mga bata dahil siguro sa napaka natural ng kanilang emosyon at galaw walang bahid ng pagkukunwari. Malalaman mo kung nalulungkot, natutuwa, natatakot o najejebs na ang bata kung hindi siya makalakad ng maayos at hindi maipinta ang mukha. Lalo na ang kanilang mga matatamis na ngiti tulad nito.
Minsan gusto kong bumalik sa pagiging bata masaya at walang iniisip na problema. Masarap maging isang bata no heartaches, candy lang ang katapat mo kapag umiiyak pagkatapos ka hambalusin ng sinturon o kurutin sa singit ng nanay mo. Gusto ko rin uli maranasan yung tatakutin ako ng nanay ko na hindi na daw ako tatangkad kung hindi ako matutulog sa tanghali sa katunayan nga halos matulog ako ng buong araw pero wala na mang nangyari sa tangkad tangkad churva na yan. Lintik! Naglaro na lng sana ako.
Miss ko na rin makipaglaro ng taguan sa mga kababata ko at naaalala ko kapag ako ang taya sa laro halos abutin ako ng buong araw kakahanap sa kanila dahil sa kabilang barangay na pala sa nagsitago, mga loko! Meron pa akong namimiss dahil dati medyo malawak ang imahinasyon namin ng mga kalaro ko at kung ano-anu ang pinagagawa namin kasama ko ang isang kalaro ko. May mga alagang cute n sisiw ang kapitbahay namin at malulusog ang mga ito. Naisipan naming mapaglaruan ang mga cute nas sisiw at sa sobrang enjoy paglaraun ang mga cute na sisiw eh hindi kame nakuntento at kumuha ang kaibigan ko ng gunting at isa-isa naming ginunting ang mga cute na sisiw. Ang morbid! tinanggalan namin ng pakpak sabay pinapalakad ang cute na sisiw ng duguan, puputulan ng paa at ilalagay sa timba na my tubig tapos papanoorin ang cute na sisiw lumangoy na naputulan ng paa at ang finale decaputation para kameng terrorista na pumuputol ng ulo ng mga cute na sisiw. Kids Don’t Do this at Home and Never do it. Bad un! at pinagsisishan ko na un, ayaw ko na uli maging sisiw killer! at buti na lang hindi kame nahuli ng kapitbahay namin, malinis ang pagkakagawa ng krimen. harhar!
Sometimes being childish is fun gusto ko nga ma try mag tantrums sa may session rd. sabay maraming tao kapag ayaw ako bigyan ng nanay ko pambili ng beer at bigla na lang ako tatahan kapag inabutan na nia ako ng pera at sasabahin sa akin na may halong lambing ” Oh! Tama na anak wag ka ng umiyak eto na bibigyan ka na ni mommy ng pera, uwi ng maaga ah, wag ka magpapakalasing ah. Mag-iingat ka ah. Sabay kiss sa noo.” Hhaaiiyyss..How sweet..
The End

