Beynte Dos

Likas na sa ating mga pinoy ang pagdidiwang ng ating mga kaarawan kung kailan natin naaalala ang unang araw na pumasok ang sariwang hangin ng planetang earth sa ating ilong patungo sa ating mga baga. Pero hindi lahat ng tao nagkakaroon ng pagkakataon upang ipagdiwang ang kanilang kaarawan marahil sa kanilang relihiyon na ipinagbabawal ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan, hindi ko alam ang dahilan sa paniniwalang iyan kung bakit bawal ang pagdiriwang ng bertday (medyo KJ diba?? moment mo yun eh). Isa na rin sa dahilan ang pagiging kapos sa bagay na tinatawag na crap “pera” o kaya nabundol ng truck dahil naglasing agad bago ang araw ng bertdey.

Minsan lang naman sa isang taon ang pagdiriwang ng bertdey, ang pusa ba siyam ang bertdey niya? Wala lang natanong ko lang. Kaya siguro ok lang na maging masaya ka sa araw na iyon. Masarap magbertdey kasama ang mga mahal sa buhay andiyan ang pamilya, barkada, kapitbahay, kaibigan, syota (wala ako nun!! darn it!) mga nilalang na taga-ibang baryo na naamoy nila na bertday mo.

Tama na ang walang sense at non-educational na introduction, diretsohin na natin ito! Ang post na ito ay para sa aking malaking PAGPAPASASALAMAT SA LAHAT ng mga taong nakaalala, bumati, tumulong, nagbigay ng regalo, kumain ng handa, uminom ng alak, kumanta sa magic sing, kumanta ng happy bertdey song para sa akin, at naging bahagi ng simpleng pagdiriwang ng aking kaarawan. Sobrang napasaya niyo ako sa araw na iyon.

Sa mga bumati ng happy bertdey: Maraming salamat at naalala niyo ang aking kaarawan. Isang regalo na sa akin ang simpleng pagbati niyo sa akin gamit ang text messages, e-mails, comments, phone calls at personal na pagbati. (kulang na lang live via TV coverage na greetings)

Sa mga kumain ng pagkain: Maraming salamat at humihingi ako ang pasensya dahil medyo tag-hirap ngayon kaya yun lang ang kinaya namin ipamahagi sa inyo. Pero pansin ko naman sa inyong mga mata ang pagkabusog sa handa. Pasalamat kayo kay nanay magaling siyang magluto. Kain pa!

Sa mga uminom ng alak: Maraming Salamat! Alam ko kahit papano nag-enjoy kayo sa pagbirit at pagkanta ng magic sing halos gusto na bombahin ang bahay namin ng mga kapit-bahay na natutulog dahil sa sigla at lakas niyo sa pagkanta. Pansin ko rin na nalasing din kayo kahit papano. Lalo na sa mga kasama kong pumunta pa ng Padis Point ng 1am hanggam 5am dun ako nalasing, ginawang tubig ang beer. Tagay pa!

Sa mga nagbigay ng regalo: Maraming Salamat! Nag-abala pa kayo. Sobrang napasaya niyo ako. Huwag kayong mag-aalala babawi ako sa mga kaarawan niyo. Ipaalala niyo lang sa akin kung kailan para makapag-ipon ako ng pangregalo sa inyo. Medyo makakalimutin na kasi ako sa mga bagay-bagay lalo na sa mga kaarawan. Charing!

keyk!

keyk na galing sa singles club!benggaa!

Sa pinakamamahal ko na Nanay at mga Kapatid: Nay, salamat sa walang humpay na pagluluto, pagaasikaso at pagmamahal. Labyu! Sarap ng luto ng Nanay ko, Promise! Kay Josh at Bryan salamat mga tol sa pagtulong. Bengga!

SALAMAT SA LAHAT! Kita-kita ulit!

Published in: on February 22, 2009 at 11:07 am Comments (2)

The Man of thirst and the Brats

Pagkatapos ng buong araw na paghahanap-buhay sa harap ng monitor sa opisina dumiretso akong umuwi sa kadahilanan na gusto kong makapagpahinga nang maaga dahil parang pinatakan ng katas ng sibuyas ang aking mga mata sa hapdi, ouch diba? Medyo nararamdaman ko na rin ang pagsisimula ng rally ng mga munting alaga ko sa loob ng aking tiyan at keylangan ko na silang pakainin at baka ang bituka ko pa ang maisipan nilang kainin.

Nakasakay na ako sa harapan na upuan ng pampublikong jip sa aking pag-uwi at sa gitna ng biyahe my isang eksena akong napansin. Nagulat ako at napatanga sa isang lalakeng naka-agaw ng aking pansin. Ang itsura ng lalake ay yung mga makikita niyo sa tab-tabi na parang isang daang kotse ang ni-repair niya dahil sa puno siya ng grasa sa katawan at damit pero hindi siya isang mekaniko isa siyang taong-grasa. Nakita ko siya na may para bang nawawala at hinahanap niya iyon sa may kanal na may halos kulay itim na tubig na dumadaloy dito. Eto ang malupit! Wala pala siyang hinahanap at ang kanyang ginagawa ay umiinom siya ng tubig mula sa kanal. Mukhang uhaw na uhaw na siya at napatid ang kaniyang pagka-uhaw matapos dumaan sa kanyang lalamunan ang halos kulay itim na tubig mula sa kanal na kaniyang ininom. Very Refreshing dba?! Obey your thirst!

Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ni Mamang Grasa kaya mo bang gawin ang kanyang ginawang mala-FearFactor na stunt dahil sa sobrang pagka-uhaw?? Wala lang, natanong ko lang sa iyo. Masama bang magtanong??

At sa wakas nakarating na rin ako sa may amin. Nagtambay muna ako sa basketball court para mag-meryenda. Napagtripan kong kumain ng fishbol, kikiam at isang bote ng softdrinks.  Habang nag-eenjoy ako sa aking meryenda napansin ko ang dalawang batang lalake na nasa edad na 11-13 years old na nasa harap ko. Masaya silang nagtatawanan at nagkukulitan, habang may hawak silang puting bagay na umuusok. Ang mga lintik! Ang babata pa naninigarilyo na! Kung isa sa mga yun ay kapatid ko babaliin ko isa-isa ang mga daliri nia para hindi na makahawak ng sigarilyo. Hindi pa doon nagtapos ang kalokohan ng dalawang batang loko-loko, nang may dumaan na isang dalagang babae (Natural!may dalaga bang lalake??) sinigawan ng dalawang batang loko-loko ang dalaga ng “bitch!shet!Biiittch!!” sabay tawa ang mga lintik. Medyo hindi nagustuhan ng mga tenga ko ang narinig ko munitk magdilim ang pangin ko at tutusukin ko na sana ng stick ng pishbol ang leeg ng dalawang loko! Gusto ko sila patikman ng bongga kong flying kick sa mga likod nila! Ewan ko lng kung makatawa pa sila. Pero nanatili lang akong tahimik, kalmado at nilunok na lang ang inis ko sabay sa pag-inum ko ng malamig na softdrinks. Gulp, gulp, gulp. 

Alam kaya ng mga magulang ng dalawang lokong ito ang mga ginagawa nilang kalokohan. Nung bata naman ako hindi ako gumawa ng kalokohan na kagaya ng ginagawa nila. Ang naalala ko lang na madalas kong ginagawang kalokohan ay ang pagtakas sa bahay ng tanghaling tapat para makipaglaro sa kapit-bahay namin. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon lumaki kaya ng malulusog ang mga baga at utak ng mga kabataan ngayon kung sa elementarya pa lang sigarilyo na ang hawak keysa lollipop na tig-pipiso.

cool ba kame??

cool ba kame??

Published in: on February 13, 2009 at 3:56 pm Comments (4)
Tags: , , ,

Iskul ng Bayan!

panalo!

Malamang sa oras na ito ay pinagmamasdan mo ang larawan na andiyan sa itaas, cool dba? Alam ko ang nasa isip mo ngayon at alam ko na mali ang iniisip mo. Gusto kong sabihin sa iyo hindi ako diyan nag-aral! At kung sakali man ako’y nabigyan ng pagkakataong maging estudyante diyan malamang ako’y isang scholar at isa sa mga top student dian.

Napagisip-isip ko lang kung paaralan talaga iyan ng mga lasinggero, lasinggera, manginginom o mga sunog baga.(Huwag mo akong isali sa listahan!Mapapaslang kita!). May subject kaya silang Wine Appreciation? Mukhang masaya yun, kahit siguro ilang beses ako umulit ng grade 6 sa paaralang iyan ayos lang sa akin. Hindi naman sa niloloko ko ang paaralan na yan, natutuwa lang talaga ako.

Marami talagang mga bagay-bagay sa paligid natin na nakakapagbigay ngiti sa atin na hindi sinasadya.

Published in: on February 9, 2009 at 4:08 pm Comments (3)
Tags: , , ,

Febrero

Pebrero ang ikalawang buwan sa taon at ang buwan na kasunod pagkatapos ng Enero (malamang! kung mali ako dukutin mo ang mga mata ko!). Maraming espesyal moments, happy moments at lungkot moments ang buwan na ito para sa akin. What do you want me to tell first the happy or the sad?? Sad na lng muna. Wag ka na kumontra blog ko to eh.

So unahin natin sa mga lungkot moments ko sa buwan ng Pebrero.

Pebrero 17, 1995 yan ang araw ng pagpanaw ng Tatay ko. Pumunta siya sa kabilang buhay dahil sa atake sa puso. Grade 5 ako noon, sobrang lungkot nun, si Tatay ang nagturo sakin paano gumuhit ng kung ano-ano at lagi niya rin akong tinutulungan sa mga takdang-aralin ko dati. Medyo strikto sa pagdidisiplina si tatay sa amin pero dahil dun lumaki akong parang si maria clara in short conservative. Si Tatay dapat ang kasama ko sa pag-akyat ko sa stage ng nagtapos ako ng grade 5 noon at nagsabit ng medalya sa aking leeg(alangan naman sa paa!) dahil sinuwerte, ako ang naging 2nd honor sa klasrum namin. Huwag kang mag-aalala Tay ako bahala sa pamilya natin, kakayurin ko ang lahat na pwedeng kayurin para umasenso. Miss ko na si Tatay! Tay, Huwag mo na po kaming dadalawin kami na lang po ang dadalaw sa iyo. Peace!

Salamat sa lahat tay, wilabyu!

Sumunod ay sa Pebrero 4, 2008 yan ang araw na pumanaw ang aking napakabait na lolo at isa siya sa fans ni manny pakyaw at avid viewer ng lintik na number 1 noon time show(daw?) ang Wowowee. Sumakabilang buhay ang lolo ko sa sakit dahil na rin sa pagiging matanda, sobrang nalungkot ang bahay ng nawala siya dahil wala na kaming kakulitan at kaagawan sa TV pagdating ng palabas ni Papi Willie. Siya rin ang tumulong sa akin at kay Nanay para makapagtapos ako ng COSMETOLOGY Diploma in Multi Media Arts. Siya din ang pinagkukunan namin ng mga kapatid ko ng extra allowance sa skul. Ganito ang linya naming magkakapatid “Lo, baon nga po kasi hindi kami nabigyan ni nanay eh, (with the sad facial expression)”. Pero sa totoo lang nabigyan na talaga kami ng allowance ng nanay namin kaya nga extra allowance ang tawag dba? Miss ko na si Lolo pati ang extra allowance, promise! Alam ko masaya na ngayon si Lolo kung nasaan man siya at magkasama na kayo ni Tatay at Lola. Miss ka na namin lolo. Ooppss! Uulitin ko ulit. Huwag mo po kaming dadalawin kami na lang po ang dadalaw sa iyo Lolo baka isama mo pa si Tatay at si Lola. Joke!

Salamat sa lahat Lo, wilabyu!.

Bago ang mga happy moments ko, may mga okasyon din na pinagdiriwang sa buwan ng Pebrero.

Pebrero ang buwan ng fiesta dito sa lugar namin na tinatawag na Flower Festival dito sa Baguio City. Masaya sa fiesta ng mga bulaklak kabi-kabilaan ang parada, kainan, party at cyempre ang mga chikaz bulaklak.  Pero sa susunod na post ko na lang ichi-chikka sa inyo tungkol dito sa piyesta ng mga bulaklak.(bitin ka noh?)

Isa rin dito ang Araw ng mga pusod Puso! Lintik! Ilang tulog na lang pala at Valentine’s Day na! At ang masaklap wala pa akong ka-date or mabigyan man lang ng mga mababangong bulaklak at matatamis na tsokolate. Matutulog na lang ata ako ng buong araw at isipin na normal lang ang araw na yan. Nothing special! (bitter dahil single) Pero malay natin diba biglang may lumapit sa akin na dalaga na kamukha ni Kristine Kreuk o ni Anne Kurtis at yayain ako sa isang romantic date, wow!saya naman nun! Wag ka ng mag-react please, moment ko ito! Libre naman mangarap diba??

Game!Simulan na ang happy moments ko…

Pebrero 10, 2005 yan ang pinakamasayang araw ko sa talambuhay ko dahil diyan ko nakilala ang babaeng minahal ko ng sobra-sobra, sagad na sagad at umaapaw. Nagsimula ang makulay kong buhay sa araw na iyan at ang mga sumunod pang mga araw at taon. Pumipinta ang ngiti sa aking mga labi at kasiyahan sa aking puso ng makilala ko siya. Itinanim ko sa aking inosenteng isipan na siya na ang aking Special Someone for Life pero naglaho ito at biglang nadurog ang aking mapagmahal na puso sa mga pangyayaring hindi ko inasahan na mangyayari. Kaya ngayon ang dating Love Anniversary ay biglang nabago sa isang normal na araw na dati naging espesyal na araw na ngayon magiging isang ala-ala na lang ng nakaraan. Lintik!tama na ang kadramahan pang action ang beauty ko at hindi pangdrama. Sa kabilang banda(hindi sa kabilang buhay!) alam ko makikilala ko rin ang Special Someone ko at magmamarka uli ng bagong buwan at bagong araw ng pagsisimula ng aking muling bagong makulay na buhay at malusog na lab layp.

Pebrero 16, 2008, yan ang araw na magiging regular ako dito sa kumpanyang pinapasukan ko bilang isang web graphic artist. Nothing special about it, tumaas ng kaunti ang sahod ko pero mas malaki ang mababawas dahil sa mga lintik na SSS, PhilHealth at ang lecheng Tax. Walang nagbago!mas bawas pa ang sahod na pinagpawisan ko.

Eto ang pinakamatindi, ako na ang nagsasabi ikakagulat mo ito!

Pebrero 22, 1987 ang very supah dupah espesyal, extra-ordinary and unforgettable day, ito ang araw na iniluwal ako sa planetang earth! OO! Pinanganak ako dito sa mundo! Sa ayaw mo man o gusto naisilang talaga ng mabait kung Nanay ang tulad kong nilalang at wala ka ng magagawa. Kung pwede nga lang gawing holiday ang araw na ito gagawin ko eh. Isang simpleng binata lang naman ako na dumagdag sa populasyon ng Pilipinas. Ilang tulog na lang at tatanda na naman ako.Lintik! Pero ok lang young in heart pa rin ako. Kung tatanungin mo kung ano ang edad ko ngayon, given na ang date of birth ko ewan ko na lang kung hindi mo pa makompyut at gumamit ka pa ng calculator para dian.

Imbitado ka sa birthday party ko! “Bring your own baon” ang patakaran. Huwag ka na mag-alala libre ang paper plates, plastik kutsara at tinidor.

Huwag mong kakalimutan ang regalo ko, un ang magiging susi mo sa pagpasok sa selebrasyon ng aking kaarawan. Be there or be anywhere!

Published in: on February 4, 2009 at 1:16 pm Comments (5)
Tags: , ,