Walang Pamagat

Don’t let your past color your present
let time help you with the bent
Try to think of the bright things
the future could bring

Hindi ko  malaman kung anong sustansiya ang pumasok sa utak ko at naisulat ko ang bagay na nabasa mo diyan sa itaas. Nagugutom na nga ako sa oras na ito. May pagkain ka ba diyan?? Pahingi naman ako oh.

Naisip ko lang na sa araw-araw na nangyayari sa buhay ng tao mayroong mga pagbabago na nangyayari maganda o pangit, masaya o malungkot, laban o bawi, pera o bayong, deal or no deal. Lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may kanya-kanyang dahilan. Hindi man natin inaasahan may mga bagay na dumarating sa harap natin at nasa sa atin na kung paano natin sasabayan ang pag-agos nito.

May mga tanong na umiikot sa aking isipan tuwing ako’y napapatingin sa bughaw na kalangitan. Ano pang mga pagsubok ang aking haharapin? Aasenso ba ako?  Hanggang keylan ako mananatili dito sa planetang earth? Ilang blog pa ang maisusulat ko? Sino ba si Special Someone ko? Bakit nasa labas ang brief ni Superman? Ano ang tagalog ng toothpaste, cake at remote control?? Marahil ikaw din ay napapaisip kung anong landas ang dapat mong tahakin sa bagay na tinatawag na “buhay” . Kung saan ka ba magiging masaya at magtatagumpay sa karera ng buhay. Yan ay nakasalalay sa iyo kung ano ang pipiliin mong desisyon.

pagbabago = mutation

pagbabago = mutation

Published in: on March 2, 2009 at 9:03 am
Tags: ,


The URI to TrackBack this entry is: http://lezcore.blog.friendster.com/2009/03/walang-pamagat/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 Comments Leave a comment.

  1. on March 19, 2009 at 5:36 pm deemisk Said:

    tama!
    hehehe.
    gudluck sa ating mga career!^^

  2. on October 9, 2009 at 10:58 pm gee Said:

    ang pogi talaga ni MJ.. hehehe.. ganda ng blog mo..
    nakaka at-home.. ang ganda pa ng kulay..

Leave a Comment