Fira
Matagal-tagal din ako hindi bumisita sa tahanan ko para magsulat ng mga bagay-bagay. Sa mga nakalipas na araw medyo naging abala ang buhay ko. Isa rin sa rason ang hindi pagkilos ng mga braincells ko, summer na kasi natutuyo na ang juices of wisdom sa matambok kung utak sa init ng panahon.
Money is anything that is generally accepted as payment for goods and services and repayment of debts. The main uses of money are as a medium of exchange, a unit of account, and a store of value. Some authors explicitly require money to be a standard of deferred payment.The dominant form of money is currency.
The word “money” is believed to originate from a temple of Hera, located on Capitoline, one of Rome’s seven hills. In the ancient world Hera was often associated with money.
(english yan ah, kinuha ko lang yan sa wikipedia, kala mo gawa ko noh!)
Money, Pera, Salapi, Breads o Areps yan ang bagay na isa sa nagpapatakbo sa mundo. “Money runs the world” naniniwala ka ba diyan?? Sa sarili kung opinyon marahil tama nga na ang pera ang nagpapatakbo sa mundo.
Simula ng isilang ako sa mundo at nagkaroon ng isip (meron ako kahit papano) pansin ko na isa sa bagay kung bakit nabubuhay ang tao ay kumita ng pera. Bakit ka nag-aaral?? para makapag-hanap ng magandang trabaho at para kumita ng pera. Pano ka makakapag-aral?? keylangan ng tuition fee di ba?? Hindi naman pwedeng ipambayad mo ang isang sako ng mangga o dalawang manok bilang pambayad ng tuition fee mo. Kahit 100% iskolar ka pa keylangan mo pa rin ng pera dahil hindi mo naman pwede ibayad ang bunga ng bayabas o saging bilang pamasahe papunta sa iskul.
Masaya ka ba kung wala kahit man lang sentimo sa bulsa mo? Parang gasolina ang pera hirap kang gumalaw kung wala ka nito at mabagal naman ang paggalaw mo kung konti lang ang pera mo, limitado ang kilos. Yung tipong hindi ka makabili ng paboritong mong pishbol kasi sakto lang ang pera mo para sa pamasahe mo, Tapos ingat na ingat ka pa sa natitira mong pera dahil kapag nabawasan ito ng kahit isang sentimo hindi ka na makakauwi sa inyo.
Sa panliligaw keylangan ba ng pera o hindi? wag ka ng mag-isip, natural lang na keylangan mo ng pera. Lalo na sa panahon ngaun, kung gaano kakapal ang wallet mo ganun ka din ka pogi. Pero hindi naman lahat ng babae sa kapal ng wallet ang batayan may nadadaan din naman sa kapal ng mukha sa pambobola at sa mabuting paraan ng panliligaw. Mga panliligaw na hindi mo na kailangan ng malaking salapi ay tulad ng pagsisibak ng kahoy, mag-iigib ka ng tubig para babaeng iniirog mo. Ang tanong, uso pa ba un? ano ang sisibakin mo building? konti na nga lang ang puno sa Pilipinas sisibakin mo pa, ano ang iigibin mo? tubig na galing sa ilog na puno ng mga lumulutang na bagay na may nakakasukang amoy.
Lalake: Labs! Ayos lang kahit wala tayong pera ang mahalaga nagmamahalan tayo.
Babae: Anong labs k dyan?! Wala na nga tayong makain eh! Si Junior tubig at asukal na lang ang iniinom! Mabubusog ba ako sa pagmamahal mo?! Manguguya ko ba ang pag-ibig mo?!
Lalake: (Kumuha ng bread knife at sinaksak ang sarili. Patay!)
Bibigyan ka ng 1 bilyong piso para kainin mo ang kulangot ng besfren mo, didilaan mo ang kili-kili ng isang taong grasa o lumangoy ka sa septic tank ng kapit bahay niyo. Napaisip ka kung tatanggapin ang hamon na yun diba? Sayang yung pera noh? Parang ganyan kahirap kumita ng pera lalo na dito sa Pilipinas. Maliban na lang kung mananalo ka sa LOTTO, pano kung hindi ka tumataya dito, katulad ko. Pwede ka rin naman magbenta ng laman kung handa ka na magkaroon ng AIDS o kaya mangholdap ka pagkatapos gugulpihin ka ng taong-bayan kapag natimbog ka kulang pa yung perang nalimas mo sa biktima mo para sa pang-hospital sa sarili mo at kung mamalasin kulang pa ang pera mong galing sa holdpan para sa sarili mong libing, ipapaanod na lang sa ilog ang bangkay mo. Bongga! Libreng libing!
Dahil sa pera ang tao ay nag-iiba may nagiging masipag at matiyaga sa paghahanap ng pera dugo at pawis ang puhunan. Meron namang ibang tao na puhunan ay pera ng bayan at pera ng sariling kapwa in short “KURAKOT”. Ang tamaan ay sana mabukulan. Masarap lustayin ang pera na galing sa sarili mong pawis at hindi sa pawis ng iba. Lalo na at galing ito sa mabuting paraan.
Buhay nga naman talaga, ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng mga taong naka-imbento ng pera. Buti pa ang pera may tao, ang tao walang pera.
Hanggang dito na lang muna, baka matanggal ako dito sa trabaho at mawalan pa ako ng pinagkukunan ko ng pera. At mapilitan ako pumasok sa larangan ng buy and sell ng katawan. hahaha!
WORK HARD AND CLEAN FOR LIFE!
The URI to TrackBack this entry is: http://lezcore.blog.friendster.com/2009/04/fira/trackback/

pero pera lang ba iikot ang lahat?
mas gusto ko magtanung para
magreact ka…ehehehe
naks!! kasali pala ko sa kapit bahay mo.Ngayon ko lang napansin. Tnx.
Karamihan sa bagay kasali ang pera.. pero hindi naman sa lahat ng bagay..heheh..
oo nman..sinali mo rin ako sa blog list mo eh..
ahhhhhhh GAYA GAYA!!! hehehe
nice! another funny yet intellectual blog from u!
way to go!
thanks pla sa free pamasahe nun! sna lagi kitang makasakay para nman makatipid ako sa pera. hehe.^^
aww ok ung topic ah..
ayos lahat ng aspekto na pag usapan dito ah…
my kasma pang jokes kaya nag eenjoy ako binabasa ung blog mo eh
ayee
Krabpaal Joy - De krabpaal discounter - de goedkoopste van Nederland en Belgie!…
Prachtige moderne massief houten krabpaal met 12 cm dikke stammen omwikkeld van hoogwaardige sisal. Het sisalzeil wordt strak om de stammen gewikkeld zodat een…