Bubble Gum
Napansin ko medyo maalikabok na ang tahanan ng aking mga blog, madalang na kasi akong mapadaan dito, subsob sa alak trabaho eh. Ngayon ko lang uli napag isipan na magsulat ng mga ideya, opinyon at guni-guni na nanggaling sa malusog at matambok kong utak, mapulang mapagmahal na puso at sa aking napakadalisay na pagiisip.
( Ayos ba ang intro ko mga mare at pare? wag ka na kumontra! tatamaan ka sa akin! )
Sa mundong ating nilalakaran ibat-ibang klase ng mga tao ang ating nakikilala, nakakasalimuha, nakakausap at nagiging kaibigan o kaaway. Sadyang ginawa ni Papa God na my kanya-kanya tayong pagkakaiba, Uniqueness sa ingles,( bongga di ba?!) May maliit sayo na malaki sa iba, may mahaba sayo na maikli sa iba, may maputi sayo na maitim sa iba, may mabango sayo na mabaho sa iba, may matigas sayo na malambot sa iba (ano kaya un??), may maganda sayo at pangit sa iba, may mas cute sayo at ako yun, joke lang yan, erase, erase! At kung nasa sa iyo ang lahat feeling ko ikaw si Piolo Pascual! Your Complete! Kahit nga kambal ay may pagkakaiba pa rin sa isa’t-isa.
Medyo nagtataka lang ako sa mga taong dumadating sa akin. Maayos, medyo okey lang, may konting tama at sadyang tamado talaga. Marahil tinadhana lang na makilala ko ang mga klase ng taong hindi ko mawari kung ano ba talaga ang papel nila sa aking buhay. Pero nagpapasalamat ako sa pagkakakilala ko sayo, sa kanya, sa kanila, at sa iba pa. Isa kayo sa mga rason sa pagbabago sa aking buhay marami akong natutunan. Umiyak, tumawa, ngumiti, mangarap at mag-alak. Minsan alam ko may mga nagtatampo na sa akin at nawawalan ng gana dahil sa sakit kong ka-engotan. Paumanhin sa mga pagwawalang bahala ko at pagiging tanga paminsan-minsan. Isa rin ako sa mga nilikha ni Papa God na may kakaibang katangahan katangian. Hindi ako superhero o parang si Santino, simple lang akong mamamayan ng Pilipinas.
Ang nakakalungkot lang ay may mga taong dumadaan sa aking buhay na turing sakin ay isang bubble gum. Isang bubble gum na mabibili mo sa mura na halaga sa suki mong tindahan. Isang bubble gum na sabik kang isubo para mapawi ang pagkauhaw sa konting tamis. Isang bubble gum na pagkatapos makuha ang gusto ay iluluwa at ididikit na lang sa ilalim ng mesa o idudura sa gitna ng kalsada at didikit sa gulong ng sasakyan na dadaan rito.
Keylan kaya magtatagpo ang landas namin ng special someone ko. Hiling ko lang sana na hindi siya mahilig sa bubble gum.
Paumanhin medyo maikli ang post na ito, pagod na ang mga brain cells ko para iproseso pa ang mga ibang bagay na nais kong ipamahagi. Babawi ako sa susunod na post.
The URI to TrackBack this entry is: http://lezcore.blog.friendster.com/2009/06/bubble-gum/trackback/

uhhmm, no comment sana akuh prend pero kkatouch nmn eh.. galing mu talaga! idol! heheh.. ui lumakeh ulet ang ulo,..heheh..bkit prend sobrang drama ng life mu??yaan mo pray ku ke Papa Jesus n dumating n ung special samwan mu pra sumaya kna,..ha??!! basta prend dto lng ku kung klangan mu ng kainuman,este kaibaigan na karamay sa kabaliwan haha..tC prendship..labshyu mwah..
Anung meron dito?? bakit may kaemohang nagaganap dito? hahaha..hindi ka parin ba sinasagot ni.. sino nga ba yun? basta yng vocalist ng paramore..harhar
leztot, darating din yang special buko pie, sweetie pie, kahit anu pa yan sa bonggang life mo… kaw talaga anung ginagawa ni pokwang? hahaha
ayeee…
ok ka lang ba…
mahilig pala ako sa bubble gum un my mint yum yum!!
sarap gawing lobo at paputukin har har..
peo yeah mahahanap mo rin un lablyf mo… diba sabi ko sayo pinapacked pa ni papa jesus sa balikbayad box…
tsaka sinisigurado nia sarado baka mahulog sa air plane lablyf mo masalo pa ng iba
ahaha
d ka pa pla cnasagot ni ………??? hehehe ..
hintayin mo lang c spexal sum1 mo .. lapit na ko punta jan!!! heheheh …
joke ..
aw! ang emo nman…