Mga Nilalang sa isang Inuman Session: Part 1
“An alcoholic beverage is a drink containing ethanol (commonly called alcohol). Alcoholic beverages are divided into three general classes: beers, wines, and spirits.”
Oh?! Mukhang nagkaroon ka na ng ideya kung tungkol saan ang post na ito noh? At alam ko ang iniisip mo ngayon! Mali ang iniisip mo! Hindi ako LASENGGO! (minsan lang)
Medyo nahuli ako sa pagkamulat tungkol sa pag-inom ng alak. 4th year hayskul (graduation day) ako ng unang dumampi ang alak sa aking inosenteng labi yung tipong inuman talaga at sa una hindi ako naligayahan sa lasa nito, Eeewww! It’s mapait kaya! Pero paglipas ng mga araw nasasanay na rin ako sa lasa ng alak. Oops! Tama na hindi ito tungkol sa pagiging lasinggero ko ang post na ito.
Ating kilalanin ang mga klase ng tao na nakakasama natin sa isang inuman:
Name: The Caller
Skills: Malakas ang impluwensiya, Magaling mangonsensya.
Madalas na kaaway: Mga Indianero.
Description: Siya ang pasimuno ng inuman session. Siya ang madalas mag-set ng lugar, oras, inumin at pulutan. Malakas siya mangonsensiya kung keylangan niyang magdrama para lang pumayag ka sa imbitasyon niya gagawin niya. Sa lakas niyang mangonsensiya kahit Mayor ng lugar niyo matatawag niya sa inuman. Gagamitan niya kayo ng mga linyang:
” Ganyan ka naman eh! Ngayon lang ako magtatawag (kahit halos araw-araw kung mag-aya), aayawan mo pa ako, sabihin mo kung gusto mo na tapusin ang pagkakaibigan natin! (may kasama pa yang naluluhang mata)”
” Tara inum tayo! Bonding lang, tagal na natin hindi nagkita eh (kahit araw-araw kayong nagkikita). Kung aayaw ka parang kinalimutan mo na rin ang pagkakaibigan natin.”
Name: The Runner
Skills: Mabilis at Masipag
Madalas na kaaway: Mga asong nakawala at mga lokong tambay sa tabi-tabi.
Description: Mabilis pa siya sa kidlat kung uutasan siyang bumili ng alak o mga bagay na kailangan sa inuman session . Walang maputik, mabato, patag o madilim na lugar sa kanya makabili lang ng alak, yosi o pulutan. Kapag madaling araw na ang inuman, buong puso niyang hahanapin ang bukas na tindahan sa lugar niyo makahanap lang ng alak, yosi o pulutan. Madalas na bagsak ng mga runner ay sa 7eleven. Ang mga runner ay yung mga taong madalas na walang pera at ang pagiging masipag nila ang kanilang maipapamahagi sa inuman session.
Name: Pulot King
Skills: Mabilis pumulot at Mabilis ngumuya.
Madalas na kaaway: Buong miyembro ng inuman session.
Description: Mabilis ang mga kamay kapag pumatong na sa mesa ang platong puno ng pulutan. Ginagawang picnic ang inuman session. Minsan choosy pa siya sa pulutan uunahin ubusin ang karne at isusunod ang mga mumurahing chichirya. Malakas mamulutan ngunit mahina uminom. May kakayahan din silang bigla na lang silang mawawala kapag wala na ring pulutan. Eat and Run move!
Name: God of War
Skills: Nagbabato ng mga masasakit na salita at nanakit ng pisikal
Madalas na kaaway: Ang buong daigdig!
Description: Siya ay kinakatakutan at kinaiinisan ng karamihan sa isang inuman session. Ang alak na iniinum niya ay diretso sa kanyang ulo na may maluwang na espasyo para sa kanyang mallit na utak at maraming alak. Na nagreresulta sa madaling pagkapikon at nagiging galit sa mundo. Lahat ng taong haharang o kokontra sa kanya ay may chances na pwedeng tanggalan ng buhay. Minsan pagkatapos ng inuman hindi na niya maaalala ang mga karumuldumal na pangyayari na ginawa niya at magtataka kung bakit my basag sa mukha, butas ang tagiliran, putol ang buto sa leeg at putok ang ilong at mata. Parang tanga lang na nahulog sa bangin.
Name: Neneng Lanjut at Nonong Lanjut
Skills: Nakakatunaw na mga tingin at mapanuksong mga kilos
Madalas na kaaway: Mga pangit na kainuman na gusto magpa-biktima.
Description: Nagiiba ang kilos kapag nakarami na ng alak sa kanyang katawan. Nagiging malapit na siya sa mga katabi lalo na kapag poging binata (ako ba un?) o magandang dalaga (ewan ko kung ikaw un). Unti-unting nagiging malikot ang mga kamay. Hawak dito, hawak doon. Haplos dito, haplos diyan. Sayaw diyan, sayaw doon, Pa-cute dito, Pa-cute doon. Nag-iinit ang katawan nila parang isang leon na hayok sa sariwang laman at nagtatangkang pulutanin ang mabibiktimang katabi sa inuman. Madalas niya itong ibulong sa kanyang biktima, Mag-iingat sa linyang ito: ” Kaya mo pa bang uminom? Kaya mo pa bang umuwi? I-UWI NA KITA…”
Abangan ang 2nd batch ng mga Nilalang sa Inuman Session! Medyo lusaw na ang aking mga mata sa kakaharap dito sa monitor eh.
The URI to TrackBack this entry is: http://lezcore.blog.friendster.com/2009/08/mga-nilalang-sa-isang-inuman-session-part-1/trackback/

nice one!
para naman daw mabilib yung nagbabasa.. haha yumabang eh noh?
nainspire kc ako sa mga nakapost sa school sb.. BE SMART! SPEAK ENGLISH! hndi ako smart kya trying hard..
huwaaaaw! san na yung second batch? dali na
inuman na lang oh!!!
WOW.. EXHAUSTING UR BRAIN CELLS AND REASONABLE PERSPECTIVE. U HAVE SKILLS MAN, U MANAGE TO SQUEEZE THE CHEESIEST YET SO SENSIBLE SIDE OF EVERY STORY..
HATS OFF NXT TIME NA COMMENT SA PAGE MO.TULOG LANG AKO,