Panga-rap
Kasalukuyang nararamdaman: Inaantok! Gusto ko ng mag-out dito sa opisina!
Lahat ng tao ay my mga pangarap para sa kanilang sarili. Marahil nasa sa iyo na ang lahat o hindi ka normal kung hindi mo pa nasubukan ang sarap ng pangangarap.
My mga pangarap na mataas yung tipong sa sobrang taas nito ay malabong maabot. Hindi naman masamang mangarap ng lampas sa imahinasyon ng normal na tao, walang bayad ang mangarap, Libre! Masarap!. Nangarap din ako ng sobrang taas at napaka imposible nung bata pa ako. Ang pangarap na yun ay maging isa sa miyembro ng grupong tinatawag na POWER RANGERS. At makipag sabunutan bakbakan sa mga halimaw na gustong sumakop sa planetang earth. Kahit ako na si Pink Ranger, ok na sa akin yun dati (epekto ng too much cartoons). Pangarap ko din na pumuti dati kulang na lang kumain ako ng isang kahon ng Likas Papaya para lang magbago ang kulay ng balat kong kulay champorado. Paglipas ng panahon natanggap ko din ang katotohanan na ganito na talaga ang kulay ko parang kutis ni Jericho Rosales kahit sa kutis lang kami magkamukha masaya na ako dun. Wag ka na magreact!Please lang ayaw kitang saktan!
Diba? Napakataas ng mga pangarap ko? Pero napag isip-isip ko medyo malabo mangyari yun. Sigurado ako, ikaw may pangarap ka din na alam mo na imposibleng mangyari. Pero malay mo, malay ko, malay natin, malay nila makamit mo ang pangarap na iyun. Huwag mo lang pangarapin na maging si Pink Ranger! Hindi matutupad yun! Ako yun eh! Mag aaway lang tayo!
May mga pangarap naman na sakto lang ang taas kayang abutin pero hindi kaagad-agad nakakamtan keylangan mo pang mag-sumikap ng mabuti para maabot ito. Dito sa level na ito sandamakmak ang nakalistang pangarap ko. Iisa isahin kong aabutin ang mga pangarap na iyun. Konting pawis, ligo disiplina at sipag lang maisasakatuparan ko din lahat ng mga pangarap kong nakalista na kasing haba ng Kennon Road. Ay! Ang haba pala ng listahan ko! Kaya ko kaya? Kaya yan! Sabi nga ni Robin Padilla “Think postive! Wag kang aayaw!“.
May mga pangarap din naman na abot kamay lang. Mga pangarap na parang andyan lang sa sari-sari store na pwedeng mong makuha sa oras na gugustuhin mo.
Masarap mangarap…..
Magkaroon ng sariling bahay yung tipo ng bahay na maliligaw yung mga bisita mo sa loob ng bahay mo dahil sa luwang, magandang sasakyan(too many to mention), maayos na trabaho na may maayos na sahod, masayang pamilya (ABS-CBN? Kapamilya eh noh), payapang kapaligiran(sa sementeryo?), masasarap na pagkain (parang last supper ng bibitayin na kriminal) at isang asawa na mala- Megan Fox-optional lang naman ito (GAY ba talaga cia!? Kasi sobrang naguguluhan na ako, ang daming blog na nagkalat tungkol sa totoong kasarian ni Megan Fox .Saklolo!)
Pangarap ko din na sana umasenso na ang Pilipinas, sa tingin mo kailan kaya mangyayari yun? may pag-asa pa ba? Ang mga karamihan sa nagpapatakbo ng ating bansa ang umaangat (maliban kay GMA, kahti mag takong pa siya hindi na siya aangat) at ang mga mamamayan naman ay tumatakbo paalis sa Pilipinas para hanapin ang kapalaran sa ibang bansa. Kung sakali man mangyari ang pangarap na iyun malamang ilang milyon na Pilipino ang mapapatambling sa tuwa sa pag-asenso ng bansang Piiipinas. Sarap nun!
Keep Dreaming!
Pasensya po sa post na ito, medyo magulo.. ayusin ko na lang sa mga susunod na araw.
The URI to TrackBack this entry is: http://lezcore.blog.friendster.com/2009/08/panga-rap/trackback/

wahh ,, ok lang khit mgulo nkakatuwa..
keep on dreaming my boy!!
muahhh ,,,,
wOW! my power rangers ka din pla na blog… merun din ako..
(amazing..)
niwei.. nice work again!!
idol..:)
suko na nga powers ko.. drain!
minsan, naiicp ko tuloy na magpursue nlng ng volcanizing o kaya payong repair course…
salamat sa comment bk.
gud day Maaraw na!! yes!
dadalaw ule ako pag may bago ka ng write-up ha??
hehe…
pag ayaw mo..
(jukjuk**)
i’ll suggest then,
palitan mo na si bob ong..
para my other choice when buying his books
nyaha