Zzz..
Takbo… takbo…
Napapagod na ako sa kakatakbo! Hindi ko na ata kaya! My mga humahabol sa akin na mga nilalang na hindi ko mapaliwanag kung ano ang balak nila sa akin hindi naman ako si Piolo Pascual o isa sa miyembro ng Boys Over Flowers para habulin ng ganun ganun na lang. Hindi rin naman nila kamukha ang mga taong pinagkaka-utangan ko. Hindi rin naman sila ang mga taong-bayan na humahabol ng isang aswang para saksakin ako ng mga kawayan sa oras na maubatan nila ako. At higit sa lahat hindi ako aswang isa akong diwata.
Subukan ko man tumakbo ng mabilis pero napapansin ko na ang bagal ng aking pagtakbo. Kahit anong gawin ko hindi bumibilis ang pagtakbo ko. Nararamdaman ko ang pagkatakot sa bawat lingon ko sa mga nilalang na humahabol sa akin. Nararamdaman ko na rin ang paglabas ng pawis sa makinis kong balat dahil sa takot (ano daw makinis??) Malapit na sila, malapit na nila akong maabutan. May nakita akong liwanag na nagmumula sa isang lagusan hindi ako sigurado kung ano ang nasa likod ng liwanag na iyon basta ang alam ko magiging ligtas ako dun. Papalapit na ang mga humahabol sa akin. Katapusan ko na ata. Ano ba ang gusto nila? Ang sariwa kung katawan?
” Hoy! Mr.Leslie Reyes! Gumising ka na! Tanghali na! Late ka na! “
Yan ang mga salitang nagmula sa nanay ko na gumulat sa akin at muntik magpahiwalay sa kaluluwa at katawan ko.
Yan ang mga eksenang pwede mangyari sa loob ng mundo ng mga panaginip. Sa panaginip nangyayari ang mga bagay-bagay na hindi natin akalain na maaaring mangyayari. Sa loob din ng panaginip ay makikita at makakasama natin ang mga taong hindi mo inaasahan mapa artista man o maligno makakasama mo sila dito. Ang masarap dito pwede mong makita ang pinaka mortal mong kaaway o ang taong my malaking kasalanan sayo. Mabibigyan ka ng pagkakataon para isakatuparan ang malagim mong paghihiganti sa taong yun. Kahit pa ang kaklaseng mo nung grade 1 ka pa na nagnakaw ng baon mong suman ay maari mong isabit ng patiwarik o kaya naman ang taong bumasag ng puso mo maari mo din siyang basagin ng pira-piraso. Mabibigyan ka din dito ng tsansa maka-moment ang taong pinag-nanasaan hinahangaan mo at pwede mong isagawa ang pang-gagahasa matamis at pag-momolestya mapagmahal mong plano para sa taong ito.
Lahat ng bagay na pinapangarap mo ay maisasakatuparan mo sa mundo ng mga panaginip. Ikaw ang bida o ikaw ang kontrabida, pero my mga pagkakataon din na para ka lang nanonood ng eksena sa isang pelikula kumbaga audience ka lang sa sarili mong panaginip at iba ang mga main cast. May mga pagkakataon na sobrang parang totoo ang nangyayari at magugulat ka na lang sa paggising mo na may mga linyang:
” (pawisan at kabado) Whew! Buti na lang panaginip yun! akala ko totoo na! salamat Lord at gising na ako ”
“(sobrang pawisan at disappointed pero medyo nakangiti) Whew! Ano ba yan panaginip lang pala yun! Sana totoo na lang! Bitin! Lord,please ituloy mo ang panaginip kong naudlot.. Bad trip nman oh, yun na yun eh! malapit na eh, Makatulog nga uli.”
