Pebrero ang ikalawang buwan sa taon at ang buwan na kasunod pagkatapos ng Enero (malamang! kung mali ako dukutin mo ang mga mata ko!). Maraming espesyal moments, happy moments at lungkot moments ang buwan na ito para sa akin. What do you want me to tell first the happy or the sad?? Sad na lng muna. Wag ka na kumontra blog ko to eh.
So unahin natin sa mga lungkot moments ko sa buwan ng Pebrero.
Pebrero 17, 1995 yan ang araw ng pagpanaw ng Tatay ko. Pumunta siya sa kabilang buhay dahil sa atake sa puso. Grade 5 ako noon, sobrang lungkot nun, si Tatay ang nagturo sakin paano gumuhit ng kung ano-ano at lagi niya rin akong tinutulungan sa mga takdang-aralin ko dati. Medyo strikto sa pagdidisiplina si tatay sa amin pero dahil dun lumaki akong parang si maria clara in short conservative. Si Tatay dapat ang kasama ko sa pag-akyat ko sa stage ng nagtapos ako ng grade 5 noon at nagsabit ng medalya sa aking leeg(alangan naman sa paa!) dahil sinuwerte, ako ang naging 2nd honor sa klasrum namin. Huwag kang mag-aalala Tay ako bahala sa pamilya natin, kakayurin ko ang lahat na pwedeng kayurin para umasenso. Miss ko na si Tatay! Tay, Huwag mo na po kaming dadalawin kami na lang po ang dadalaw sa iyo. Peace!
Salamat sa lahat tay, wilabyu!
Sumunod ay sa Pebrero 4, 2008 yan ang araw na pumanaw ang aking napakabait na lolo at isa siya sa fans ni manny pakyaw at avid viewer ng lintik na number 1 noon time show(daw?) ang Wowowee. Sumakabilang buhay ang lolo ko sa sakit dahil na rin sa pagiging matanda, sobrang nalungkot ang bahay ng nawala siya dahil wala na kaming kakulitan at kaagawan sa TV pagdating ng palabas ni Papi Willie. Siya rin ang tumulong sa akin at kay Nanay para makapagtapos ako ng COSMETOLOGY Diploma in Multi Media Arts. Siya din ang pinagkukunan namin ng mga kapatid ko ng extra allowance sa skul. Ganito ang linya naming magkakapatid “Lo, baon nga po kasi hindi kami nabigyan ni nanay eh, (with the sad facial expression)”. Pero sa totoo lang nabigyan na talaga kami ng allowance ng nanay namin kaya nga extra allowance ang tawag dba? Miss ko na si Lolo pati ang extra allowance, promise! Alam ko masaya na ngayon si Lolo kung nasaan man siya at magkasama na kayo ni Tatay at Lola. Miss ka na namin lolo. Ooppss! Uulitin ko ulit. Huwag mo po kaming dadalawin kami na lang po ang dadalaw sa iyo Lolo baka isama mo pa si Tatay at si Lola. Joke!
Salamat sa lahat Lo, wilabyu!.
Bago ang mga happy moments ko, may mga okasyon din na pinagdiriwang sa buwan ng Pebrero.
Pebrero ang buwan ng fiesta dito sa lugar namin na tinatawag na Flower Festival dito sa Baguio City. Masaya sa fiesta ng mga bulaklak kabi-kabilaan ang parada, kainan, party at cyempre ang mga chikaz bulaklak. Pero sa susunod na post ko na lang ichi-chikka sa inyo tungkol dito sa piyesta ng mga bulaklak.(bitin ka noh?)
Isa rin dito ang Araw ng mga pusod Puso! Lintik! Ilang tulog na lang pala at Valentine’s Day na! At ang masaklap wala pa akong ka-date or mabigyan man lang ng mga mababangong bulaklak at matatamis na tsokolate. Matutulog na lang ata ako ng buong araw at isipin na normal lang ang araw na yan. Nothing special! (bitter dahil single) Pero malay natin diba biglang may lumapit sa akin na dalaga na kamukha ni Kristine Kreuk o ni Anne Kurtis at yayain ako sa isang romantic date, wow!saya naman nun! Wag ka ng mag-react please, moment ko ito! Libre naman mangarap diba??
Game!Simulan na ang happy moments ko…
Pebrero 10, 2005 yan ang pinakamasayang araw ko sa talambuhay ko dahil diyan ko nakilala ang babaeng minahal ko ng sobra-sobra, sagad na sagad at umaapaw. Nagsimula ang makulay kong buhay sa araw na iyan at ang mga sumunod pang mga araw at taon. Pumipinta ang ngiti sa aking mga labi at kasiyahan sa aking puso ng makilala ko siya. Itinanim ko sa aking inosenteng isipan na siya na ang aking Special Someone for Life pero naglaho ito at biglang nadurog ang aking mapagmahal na puso sa mga pangyayaring hindi ko inasahan na mangyayari. Kaya ngayon ang dating Love Anniversary ay biglang nabago sa isang normal na araw na dati naging espesyal na araw na ngayon magiging isang ala-ala na lang ng nakaraan. Lintik!tama na ang kadramahan pang action ang beauty ko at hindi pangdrama. Sa kabilang banda(hindi sa kabilang buhay!) alam ko makikilala ko rin ang Special Someone ko at magmamarka uli ng bagong buwan at bagong araw ng pagsisimula ng aking muling bagong makulay na buhay at malusog na lab layp.
Pebrero 16, 2008, yan ang araw na magiging regular ako dito sa kumpanyang pinapasukan ko bilang isang web graphic artist. Nothing special about it, tumaas ng kaunti ang sahod ko pero mas malaki ang mababawas dahil sa mga lintik na SSS, PhilHealth at ang lecheng Tax. Walang nagbago!mas bawas pa ang sahod na pinagpawisan ko.
Eto ang pinakamatindi, ako na ang nagsasabi ikakagulat mo ito!
Pebrero 22, 1987 ang very supah dupah espesyal, extra-ordinary and unforgettable day, ito ang araw na iniluwal ako sa planetang earth! OO! Pinanganak ako dito sa mundo! Sa ayaw mo man o gusto naisilang talaga ng mabait kung Nanay ang tulad kong nilalang at wala ka ng magagawa. Kung pwede nga lang gawing holiday ang araw na ito gagawin ko eh. Isang simpleng binata lang naman ako na dumagdag sa populasyon ng Pilipinas. Ilang tulog na lang at tatanda na naman ako.Lintik! Pero ok lang young in heart pa rin ako. Kung tatanungin mo kung ano ang edad ko ngayon, given na ang date of birth ko ewan ko na lang kung hindi mo pa makompyut at gumamit ka pa ng calculator para dian.
Imbitado ka sa birthday party ko! “Bring your own baon” ang patakaran. Huwag ka na mag-alala libre ang paper plates, plastik kutsara at tinidor.
Huwag mong kakalimutan ang regalo ko, un ang magiging susi mo sa pagpasok sa selebrasyon ng aking kaarawan. Be there or be anywhere!